St. Joseph's Academy, LP | Philippine Schools Cyberfair 2006: Inspire and Unite
 
Pinagmulan | Las Piñas | Ang Kalikasan | Mga Pinuno | Parangal | Project Narrative | Bibliography

SENATOR MANNY VILLAR
Mister "Sipag at Tiyaga"

Ang publikong buhay ni Manny Villar ay umiikot lang sa mundo ng pag nenegosyo at pulitiko. Isa lamang siya sa madaming nagtagumpay sa dalawang ito.

Siya ay naging kabilang sa isang simpleng pamilya noong December 13, 1949 sa Moriones, Tondo, Maynila. Ang kanyang ama na si Manuel Montalban, Sr., isang empleyado ng gobyerno, tubong cabanatuan, Iloilo at ang kanyang ina na si Curita Bamba, isang seafood dealer, galing ng pampanga at bataan. Si Manny ay ang pangalawa sa siyam na magkakapatid. Bata pa lamang siya tinutulungan na niya ang kanyang ina na mag tinda ng mga hipon at isda sa loob ng palengke ng divisoria, na may matinding hangarin na magkaroon ng magandang kinabukasan at upang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan, Siya ay nag tinda ng isda at hipon para siya ay makapasok lamang sa eskwelahan.

"Natuto ako sa aking ina kung paano maging isang magaling na enterprenur", kanyang inilantad."At ibig nitong sabihin na kailangan maging matiyaga upang makamit ang iyong pangarap." In divisoria, siya ay namangha sa dami ng mga tinitinda ng mga tsinong mangangalakal na kanila rin namang ginagawa,dahil dito ay sumumpa siya na magiging isang enterprenur.

Tiyaga, pagpupursigi, ang naging gabay niyang prisipyo sa buhay. Siya ang tinaguriang "Mr. sipag at tiyaga."

Ipinagpatuloy niya na maging isang inspirasyon sa maraming pilipino sa pamamagitan ng kwento ng kanyang buhay para mahikayat ang bawat pilipino sa kanilang pamumuhay at sa pag abot ng kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng mga katagang kanyang binanggit "Sipag at Tiyaga".

Si Manny Villar ay isang kampeon ng mga enterprenur, at isang napaka husay na representative at senador. Bukod sa napakaraming gantimpalang kanyang natanggap pagiging isang bayani dahil sa mga magagandang kanyang nagawa para sa bansa, nananatili pa rin siyang simple at hindi nag papaapekto sa mga problema na kinakaharap niya. Isang matapat na asawa kay Cong. Cynthia A. Villar at isang mabuting ama kina Paolo, Mark at Camille.





© 2005-2006 SJALP | Designed by St. Joseph's Academy | Valid CSS | Valid HTML 4.01