CONGRESSWOMAN CYNTHIA VILLAR
Ang aming "Tita Cynthia"
Ang congresswoman ng Las Pinas na si Cynthia villar ay nagtapos ng bachelor of science in business administration sa unibersidad ng pilipinas, kung saan nakilala siya bilang isa sa mga nangunguna sa kanilang batch. Natapos niya ang kanyang kurso na Master of Business Administration sa New York University.
Siya ay naging isang financial analyst at isang guro sa kolehiyo hanggang siya ay ikasal sa dating house speaker at ngayon ay isa ng senador na si Manny Villar noong 1975. Pag katapos noon ay tinulungan naman niya ang kanyang asawa sa iba't ibang trabaho ng isang enterprenur, dahil dito ay naging pinaka malaking homebuilder sa pilipinas ang C and P Homes.
Noong 1989 tinayo nila ang Capitol Development Bank. Siya ay nagtrbaho doon bilang isang tresurer sa isang taon at naging isang presidente hanggang 1998. Wala pang isang dekada, ay mas pina angat niya ang antas ng serbisyo ng banko at ito'y naging pinaka malaking private development bank sa bansa.
Ang Villar Social and Civic concerns ay iba-iba. Noong 1992, siya ang bumuo at namuno sa Villar Foundation, na nanalo ng madaming parangal dahil sa kanilang tree-planting program na "Pagtatanim para sa Kinabukusan", "Sagip Bukas" ito'y basehan galing sa mga eskwela para maging Drug free ang Las Pinas, at ang "Manpower on Wheels",isang livelihood program na nag tuturo ng mga taong walang trabaho upang mas madali na silang makakahanap ng trabaho.
Simula 1998-2000, siya ang presidente at chairperson ng Congessional Spouses Foundation, na nasa ilalim ng kanyang pamumuno,nag bukas siya ng 11 na Regional Centers para sa mga babae. Ang mga center na ito ay nag silbing half-way houses para sa mga babaeng inabuso, narape, at iba pang krimen laban sa mga babae.Ngayon ay aktibo na siya sa mga Senate Spouses Foundation, lalo na ang trabaho niya na pag papatayo ng mga regional centers para sa mga matatanda.
Patuloy pa rin siyang humahawak ng iba't ibang socio-civic organization tulad ng Philippine National Red Cross Las Pinas Chapter, ang Philippine Red Cross General Fund Campaign(1999), Zonta Club of Las Pinas, at ang Rizal Youth Development Foundation. Siya ay naging Chairpeson ng National Fund Campaign of the veterans Foundation o FILVETS.
Noong 2001 siya ay nakaranas ng maraming pagsubok noong siya ay representative ng Las Piñas. Siya ay naging presidente ng Lady Legislators of the 12th at 13th congress, layuning pinasimulan para isulong at ipagtanggol ang kapakanan ng mga babae, bata at pamilya.
Inilunsad niya ang "Sagip Ilog" program sa 2002- layunin para muling mabuhay ang Las Piñas at Zapote rivers. Ang paglilinis ng mga ilog at pagtatanim ng mga kawayan ay patuloy na ginagawa kasabay ang pagtuturo ng maayos na pagtatapon ng basura sa mga residenteng nakatira sa tabi ng ilog.
Kasama ang kayang pagganap sa pagiging unang kinatawan ng nag-iisang purok ng Las Piñas. Congresswoman Villar ay tumakbo sa re-election sa May 2004 at nanalo ulit sa pangalawang pagkakataon. Siya ay kasalukuyang Chairperson sa mga Representatives' Committee on Higher at Technical Education ng 13th Congress; at sa muli, buong pagkakaisang inihalal na maging presidente ng Lady Legislators ng 13th Congress.
Kasama ang lahat ng bagay na kanyang nagawa at mga gantimpala, siya ay tanggap pa rin ng kanyang pamilya ang kanyang pinakamahalagang kayamanan at pagpapalaki ng maayos sa kanyang mga anak: Paolo at Mark nakatapos sa Unerversity of Pennslvania School of the Finance, habang ang kanyang kaisa-isang babaeng anak na si Camille ay isang Bussiness Management major sa Ateneo de Manila University.