MGA MAHAHALAGANG ELEMENTO SA TAGUMPAY NG PROGRAMA
Ang paglaki ng populasyon ay pwedeng magdulot ng mga problema sa gobyerno pero naiisip na ito kaagad ng mga lider ng Las Piñas kaya kinakailangan na ipatupad ang mga batas na lulutas sa mga problemang ito.
Ang lungsod ng Las Piñas ay humingi ng tulong sa Clean and Green Campaign para sa partisipasyon ng lahat- mula sa pinakamataas na tagagawa ng batas hanggang sa pinakamababang tagalinis ng kalye- para masigurado ang tagumpay ng proyekto. Bukod sa pamahalaan na pinamumunuhan ng Chief Executive ng gobyerno, makikipagtulungan din ang iba't ibang departamento tulad ng City Council na bahala sa pondo at ang Clean and Green Council na pinamumunuhan ni Mrs. Imelda T. Aguilar na ipinatupad ang programa na aalalay sa Clean and Gree Campaign.