PAMUMUHAY SA MALINIS NA KAPALIGIRAN
Ang Las PIñas City ay hindi titigil sa proyektong Clean and Green, kahit nanalo na ito sa dalawang magkakasunod na taon. Subalit ito ay lalo pang nagsisikap upang mas lalong maging malinis at maturuan ang mga tao na isabuhay ang kalinisan ng bawat lugar. At sa kadahalinang ito, muling nakilala ang Las Piñas sa kategoryang nabanggit. At ito ay ang implementasyon ng mga makabagong programa, ang maayos na pamamalakad at kusang loob na pagtulong ng bawat sektor. Ang gobyerno sa pamamahala ni Mayor Vergel "Nene" Aguilar ay nangunguna sa pagpapaunlad ng komunidad na mapapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.
LAS PIÑAS CLEAN & GREEN PROJECT
Sa loob ng halos siyam na taon ng pangangampanya ng Clean and Green, nagtagumpay ang Las Pinas sa pagpapatagal nito. Ang gobyerno sa pamamagitan ng Clean and Green Council sa pamumuno ni Mayor Imelda T. Aguilar, asawa ng dating Mayor Vergel A. Aguilar ay nagtagumpay sa pagkuha ng mga partisipasyon ng mga residente sa pagsali sa kampanya. Tinutulungan nito ang mga residente na pansinin ang kanilang paligid at mapanatili itong malinis at maganda.Ang tuloy-tuloy na pagkukusa ng gobyerno na lutasin ang problema sa maayos na pagtatapon ng basura at mapanatili ang kalinisan ng lungsod ay isa sa dahilan ng tagumpay ng programa.