St. Joseph's Academy, LP | Philippine Schools Cyberfair 2006: Inspire and Unite
 
Pinagmulan | Las Piñas | Ang Kalikasan | Mga Pinuno | Parangal | Project Narrative | Bibliography

ACHIEVEMENT REPORT OF THE CLEAN AND GREEN COUNCIL
+ Project Zero Waste: A Mission Accomplished

Ang desisyon ng mayor na bumili ng 40 compactor trucks at dalawang dump trucks galing sa pondo ng gobyerno ay talagang napakinabangan sa pagpapabilis at pagkokontrol sa pagkolekta ng mga basura sa lungsod. Sa pamamagitan nito nabawasan ang problema ng gobyerno tulad ng problema ng ibang lungsod na dumedepende as mga pribadong contractors na kumokolekta ng kanilang basura.

Dahil dito ang lungsod ng Las Piñas ay nakamit ang zero waste management goal at ngayon ay nakilala ang Las Piñas sa pagkakaroon ng pinakaepektibo sa pagkokontrol ng basura sa buong Metro Manila. Para masigurado ang pagpapatuloy ng operasyon na ito, ang Environmental and Sanitation Council ay nagtalaga ng mga compactors trucks na nangongolekta ng mga basura sa bawat barangay. Ang koleksyon ay ginagawa ng dalawang beses sa isang araw, isa sa umaga isa sa hapon.

Malaking ipon ang nagawa ng gobyerno sa desisyon nilang gumawa ng kanilang sariling operasyon upang mangolekta ng mga basura kaysa umupa ng mga pribadong contractors. Sa unang tatlong taon ng proyekto, nakaipon ito ng P140 milyon na ginamit sa ibang mga proyekto ng lungsod tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada, pagpapagawa ng mga karagdagang silid aralan, mga eskwelahan, ospital at madami pang iba.

+ Maintenance of Tree Parks and Plant Nurseries

Ang gobyerno kasama ang MB Villar Foundation ni Manny Villar ay napanatili ang 70 70 tree parks-cum-playground sa halos lahat lahat ng barangay sa lungsod. Ang mga puno ay naitanim at naalagaan at ang mga tree parks ay ipinaganda para sa mga residente at sa mga bata. Ang mga bagong tanim na puno ay napanatili para sa tree planting at greening program.

Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nagbigay ng mga tree saplings sa proyekto ng lungsod. Isang Orchidarium ang itinayo noong 1995 at napanatili at pinalaki ng gobyerno sa tulong ng mga lokal na sangay ng Department of Agriculture.

+ Multisectoral Involvement

Ang tuloy-tuloy na tagumpay at pinanindigan ng Las Piñas Clean and Green ay maaaring makibahagi para makatulong at tumulong mapahaba ng iba't ibang samahan ng Lungsod.

Ang Partisipasyon ng Kumunidad. Isa at bawat Residente ay napanatili ang bisa ng kalinisan at kaayusan at alam nila angkanilang responsibilidad na kailangang mapanatiling malinis ang kapaligiran. Sa loob ng komunidad, araw-araw na paglilinis at pagpapagandang maitakbo ay naging ugali na sa pakikipagisa ng barangay council officers at ng iba-ibang community-based organizations. Grupo kagaya ng Rotary Club, homeowner's associations, Inglesia ni Kristo church, at iba pang religious Aggrupation ay nakapagrehistro sa kanilang suporta at totoong nakita sa kampanya.

Ang gobyerno at ang Clean and Green Council ay naglunsad ng isang pagandahan sa iba't ibang mahihirap na lugar sa lungsod.

Ang mga pangyayari tulad nito ay magiging hamon sa mga residente at magbibigay ng pagkakataon sa kanila na magkaisa at magtrabaho tungo sa karaniwang layunin sa pagpapabuti ng estado na kanilang tinitirhan.

Ang Pagsama ng Business at Sektor na Socio-civic. Ang suporta ng business community sa programa ay nakapagpasiya at at ang kanilang gawain na adopt-a-barangay sa clean-up project ay naging matagumpay. Ang malalaking kompanya tulad ng SM Southmall, Ayala Land, Fil Estate at Sta. Lucia Realty ay nagbigay ng donasyon na plastic bags para ipamigay at magamit ng mga residente sa iba't-ibang barangay. Mga establisyamento, tulad ng mga kilalang fastfood chains ay napagkasunduang maging sentro ng kampanya para sa konseho ng Kailinisan at Kalikasan.Sa mga lugar na ito ay nagpaskil ang socio-civic organizations ng mga paalalang mensahe at slogans at nakikipag-ayos sa pamahalaang lokal pagdating sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng mga layunin ng Clean and Green Program.

Partisipasyon ng mga estudyante at kabataan. Para mapalaki ang kontribusyon ng mga estudyante sa pampublikong paaralan sa kampanya ng pamahalaang lokal, sa pamamagitan ng Clean and Green Council ay na organisa ng isang grupo na tinatawag na "Samahan ng mga Kabataan Para sa Kalinisan ng Bayan" o SAMAKANABA.

Ang lahat ng pampublikong paaralan kasama ang elementary at high school,ay nakakatulong sa mga estudyante sa iba't-ibang aktibidad tungkol sa paglilinis ng paaralan at kapaligiran tuwing dulo ng linggo bilang parte ng curiculum. Noong isang taon ay naglunsad ng patimpalak tungkol sa paglilinis at pagpapaganda katulong ang programang Linis Ganda.

Ang pagiging handa sa pagprotekta sa ating kalikasan ay kasama sa asignatura ng mga estudyante at para maging handa sila sa kampanya. Iba't-ibang aktibidad tulad ng mga seminaryo,essay, mga pagsulat, at timpalak tungkol sa pagpipinta, atbp. ang ginagawa ng mga estudyante para mapabuti ang kanilang mga damdamin at pakikilahok.

Pati ang mga pribadong paaralan ay kasali rin sa kampanya ng impormasyon,edukasyon, koordinasyon at pagsasagawa ng aktwal na pagtatanim ng mga puno, paglilinis at pag papaganda,sa loob at labas ng paaralan.

Ang mga estudyante sa pampublikong kolehiyo "Dr.Felimon Aguilar Memorial College" ay inorganisa at inatasang mamahala sa iba't ibang kampanya na may kinalaman sa programa at proyekto ng Clean and Green Council. Ang Pag-Asa Youth Association (PYA) ay isang out-school youth at community-based organisasyon ay aktibong kasali sa programang Clean and Green sa ilalim ng pamamahala ng Department of Social Welfare and Development. Ang YPA ay nagorganisa at nagsasagawa ng iba't ibang mga gawain sa komunidad,lalo na sa mga mahihirap na lugar.





© 2005-2006 SJALP | Designed by St. Joseph's Academy | Valid CSS | Valid HTML 4.01