KASAYSAYAN NG LAS PIÑAS
Ang Las PIñas ay isa sa mga 13 na Lungsod na nasasakop ng National Capital Region (NCR), o ng Maynila. Ganun pa man, ito ay naging lungsod noong 1997 sa pamamagitan ng legislative fiat, ang Las Piñas ay isa sa pinakaunang bayan sa lungsod ng Maynila, na nagpapaliwanag sa magandang nakaraan noong Ika-17 Siglo.
Kilala ito sa kanilang Bamboo Organ na kilala sa buong mundo, pagawaan ng asin, at pagawaan ng mga jeep. Ang Las Piñas ay nanatili sa isa sa pinakamabilis na umuunlad na lungsod sa buong bansa. Ito ay isang modelo sa paglaki ng kabuhayan at epektibong pamamahala sa lokal na pamahalaan. Ito ay naging pinakamapayapa at pinakamalinis na lungsod sa boung Metro Manila sa tatlong magkakasunod na taon (1997,1998,1999).
Ang mayamang nakaraan nuong mga taong 1700's, panahon ng pananakop ng mga espanyol, ng ang Las Piñas ay isa lamang sa barangay ng parañaque na may 1,200 naninirahan. Sa taong 1797, isang paring espanyol na may ngalang Padre Diego Cera ay naatasang mamahala sa Las Piñas. DAhil sa kanyang pagsisikap at mga magagandang plano, nagising ang tulog na bayan tungo sa paglaki at pag-unlad.
Dahil sa kasipagan ni Padre cera, naitayo ang simbahan ng Las Piñas sa taong 1819. Kasunod nito ang paggawa ng Bamboo Organ na inabot ng mahigit anim na taon bago matapos. Siya rin ang isa sa mga nangasiwa ng pagpapagawa ng kalsada at tulay na naging dahilan ng pag usbong ng iba't ibang uri ng hanapbuhay tulad ng pag aasin, paggawa ng tina, at paggawa ng iba't ibang kagamitan sa bahay.
Ang mga sumunod na taon ay medyo di maganda dahil ito ang mga panahong pinasok ng mga bandido ang Las Piñas. Sa taong 1880, kumalat ang epidemyang kolera at bulutong na naging dahilan ng pagkamatay ng maraming residente. Makalipas ang anim na taon,ng kasalukuyang rebolusyon laban sa mga espanyol, marami ang nasawi dahil ang Las Piñas ay isa sa mga lugar na pinaglabanan ng mga tropang espanyol at gerilya sa pamumuno Heneral Emilio Aguinaldo. Pagkalipas ng maraming taon, hinirang ang Las Piñas bilang isang lungsod noong Marso 27, 1907 sa bisa ng Philippine Commission Act na may bilang 1625.
Sa mga taong 1960's, sa pagpapagawa ng south Super Highway, ang Las piñas ay naging isang first-class municipality. Sa kalagitnaan ng 1980's ang paglaki ng pangkabuhayan ng Las Piñas ay lalo pang lumago sa pagpapagawa ng Coastal Road na nagdudugtong sa Metro Manila sa Cavite. Mula 1990's, ang Las Piñas ang naging daan ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) upang mapalaki at mapalawak ang industriya upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. At dahil dito, ang Las Piñas ang naging sentro ng pag-aasin na naging dahilan ng mabilis ng pag-unlad sa sentro ng Kamaynilaan.