MABUHAY!
Ito ang website ng Saint Joseph's Academy tungkol sa aming Lungsod na Las Piñas. Itong website na ito ay ginawa upang magbigay ng impormasyon sa mga estudyante, mga Las Piñeros, at bawat indibidwal tungkol sa Proyekto Pang-kalikasan na ipinapatupad sa lungsod. Ang proyektong ito ay ginawa upang magbigay inspirasyon sa mga tao upang magbigay halaga sa kagandahan ng kalikasan.
MGA NILALAMAN NG WEBSITE

Ang bahaging ito ay naglalaman ng kasaysayan ng Las Piñas. Dito makikita ang pinagmulan at mga pangyayaring nakaapekto sa pagbabago at pag-unlad ng Las Piñas. Ang Misyon at Pananaw ng Lungsod ay nakasaad din dito.

Ang kagandahan ng kalikasan ng Las Piñas ang nilalaman ng bahaging ito. Matatagpuan dito ang iba't-ibang proyekto ng Lokal na Gobyerno upang mapanatili ang likas na yaman nito.

Dito matatagpuan ang mga Lider na nagbigay serbisyo at importansya sa mga Las Piñeros.

Sa siping ito matutunghayan ang iba't-ibang parangal at pagkilalang natamo ng Las Piñas .
Ang Proyekto sa CyberFair